니가 없는 건 낯설기만 해
아직 사랑하는데




Tagboard



Read.
Sunday, August 17, 2008 / 9:36 PM

On behalf of Trixie, may sasabihin lang ako. Actually, kami.

Alam naman naming may exams eh. May exams din ako, hindi nga lang all in one week. Alam namin na busy kayo. Busy din naman kami eh.

Honestly, kinda hurt kami. Actually, hindi lang "kinda". Hurt talaga kami.

Sorry kung may pagkadrama ha. Pero totoo yun. Hurt kami kasi isang araw lang naman hinihingi ni Trixie para sa birthday nia. Hindi lang naman birthday nia kung bakit siya nagiimbita eh. Gusto din sana namin kayo makita.

Lalo na ako.

Mag-isa lang ako sa uni ko, tas minsan na nga lang magkaroon ng get-together hindi pa makakapunta ng mga kaibigan?

Hurt lang ako, for my part.

Alam kong may exams.

May exams din kasi ako.

At hindi lang exams.

May mga reporting.

Mga tula na gagawin.

Mga kung anu-anong homework at quizzes at papers.

Osige na. Sabihin na natin, isa lang exam ko ngayong week. ISA LANG. Sabihin nating madali, dahil nga, isa lang naman.

Pero may mga kasabay kasi eh. Yun nga. Mga report. Mga paper. Mga homework at quiz. For me, mas mahirap un, kasi imbis na ang exam na lang iisipin ko at makakaconcentrate ako dun, may iisipin pa akong ibang bagay.


Pero willing ako na i-set aside lahat yun para lang makita mga high school friends ko na ang tagal tagal ko nang hindi nakikita.

Sabi nga ni Trixie, isang araw lang naman eh.

Hurt lang talaga kami.

I dunno kung talagang hindi nio na kami feel makita or something like that.

Pero I for one, hindi ko na alam kung ano nangyayari.

Hindi nagtetext.

Di ko na alam.

Parang ang distant na ng mga memory ko ng high school.




Bottomline, hurt lang talaga kami.



늘 그랬듯이 여전히 그대만
기다리고 있는 내게